Ikot . Морган Райс
Читать онлайн книгу.siya ngunit walang pakialam si Caitlin. Naramdaman niya ang dugong dumadaloy mula sa kaniyang ngipin hanggang sa kaniyang mga ugat. Ito ang pinakamasarap na pakiramdam sa buong buhay niya.
Napaupong bigla si Caitlin sa kaniyang kama. Nalilito siyang napatingin sa loob ng kaniyang silid.
Napagtanto niya na nanaginip pala siya. Pinahid niya ang pawis sa kaniyang noo at umupo sa gilid ng kaniyang kama.
Katahimikan. Mukhang nakaalis na si Sam at ang kaniyang ina. Tumingin siya sa orasan at huli na nga siya - 8:15 na nang umaga. Mahuhuli siya sa pangalawang araw ng pasukan.
Magaling.
Nagulat siya na hindi man lang siya ginising ni Sam. Lagi siyang ginigising nito kapag naatrasado siya ng gising at mauuna siya umalis.
Galit pa siguro ito dahil sa kagabi.Tiningnan niya ang kaniyang cellphone. Patay ito. Nakalimutan niya i-charge. Mas mabuti na din yun dahil ayaw niya makipag-usap kahit kanino. Nagbihis siya at hinagpos ang kaniyang buhok. Datirati ay aalis siya kahit di kumakain. Pero ngayon ay nakaramdam siya ng kakaibang uhaw. Binuksan niya ang pridyider at kinuha ang kalahating galon ng juice na pulang kahel. Dali-dali niya itong binuksan at uminom deretso sa lalagyan. Nagmamadali siyang lumunok ng malalaki hanggang sa maubos ito.
Tiningnan niya ang walang laman na lalagyan. Hindi siya makapaniwala na naubos niya ito. Datirati nakakaubos lamang siya ng kalahating baso. Kinuha niya ang kardbord na lalagyan at nilamukos ito gamit lamang ang isa niyang kamay. Hindi niya maintindihan kung ano itong matinding lakas na nananalaytay sa kanyang buong katawan. Nakakatuwa ito na nakakatakot.
Uhaw pa rin siya. At gutom. Pero hindi sa pagkain. Gutom sa ibang bagay na hindi niya maintindihan kung ano.
Nakakapanibagong makita ang bulwagan nang walang laman. Ibang iba ito sa itsura kahapon. Lahat ay nasa kaniya kaniyang klase. Mayroon pa siyang labing-limang minutong natitira sa kanyang pangatlong klase. 8:45 ng umaga ng panahong iyon. Hindi niya alam kung papasok pa siya dito pero wala siyang ibang mapupuntahan.
Pumunta siya sa tamang silid at tumayo sa may pinto. Naririnig niya ang boses ng guro. Nag-alinlangan ito. Ayaw niyang mang-istorbo ng klase ngunit wala siyang ibang pagpipilian.
Huminga siya ng malalim at binuksan ang pinto.
Pumasok siya sa loob at tumigil ang lahat at tumingin sa kanya pati ang guro.
Katahimikan.
"Binibining.. " paumpisa ng guro na nakalimutan ang kaniyang pangalan. Pumunta ito sa mesa niya sa unahan at kinuha ang isang papel at hinanap ang kaniyang pangalan.
"...Paine. Ang bagong estudyante. Huli ka ng dalawampu't limang minuto." Isang mabagsik at matandang guro ang nanlilisik ang matang nakatingin kay Caitlin.
"Anong masasabi mo?"
Nagalinlangan si Caitlin.
"Pasensya na?"
"Hindi iyan sapat. Maaaring ang pagiging huli sa klase ay katanggap-tanggap sa kung saan ka man galing, pero hindi ito katanggap-tanggap (not acceptable) dito."
"Hindi katanggap-tanggap (unacceptable)" sabi ni Caitlin na kaagad niyang pinagsisihan.
"Anong sinabi mo?" mabagal na tanong ng guro.
"Sabi mo hindi katanggap-tanggap (not acceptable) pero ang ibig mo talagang sabihin ay hindi katanggap-tanggap (unacceptable)."
"Naku po!" malakas na sabi ng isang maingay na estudyante sa likod. Nagtawanan ang lahat.
Конец ознакомительного фрагмента.
Текст предоставлен ООО «ЛитРес».
Прочитайте эту книгу целиком, купив полную легальную версию на ЛитРес.
Безопасно оплатить книгу можно банковской картой Visa, MasterCard, Maestro, со счета мобильного телефона, с платежного терминала, в салоне МТС или Связной, через PayPal, WebMoney, Яндекс.Деньги, QIWI Кошелек, бонусными картами или другим удобным Вам способом.